Saturday, May 29, 2010

James Cameron: Bitter


Bitter si James Cameron ("Jim" sa mga feeling close), dahil n'ung nakaraang awards ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ("Oscars" sa mga feeling close), ay tinalo siya ng kanyang ex-wife na si Kathryn Bigelow.

Ang dalawang pelikula nilang naglaban sa Oscars ay ang Avatar ni Cameron, at ang The Hurt Locker ni Bigelow. Sa anim na category kung saan nagtapat ang Avatar at The Hurt Locker, sa Best Cinematography lang po nanalo ang Avatar. Pero sa five out of six categories na Best Sound Mixing, Best Sound Editing, Best Editing, Best Picture, at Best Director, panalo ang The Hurt Locker.

Isang malaking factor ng pagka-bitter ni Jim (yuck feeling close talaga e 'no) ang Best Director category. Oo na, revolutionary ang iyong 3D technology. Pero mas magaling na direktor ang asawa mo. Ay, ex-wife pala.

Masdan ang larawan sa itaas. Ayan si James Cameron kasama ang kanyang current wife n'ung Oscars. Ito naman ang larawan ni Kathryn Bigelow n'ung Oscars.


Mega-hotness 'di ba. Bitter nga talaga si James Cameron.


*ilang info mula sa Da Couch Tomato
mga larawan mula sa Da Couch Tomato at deceiver.com

Friday, May 28, 2010

Steve Jobs: Bitter

Sorry, pero isang basa lang sa twitter account nya, nalasahan ko na ang pagkapait.

Basahin mo nalang: (Galing sa www.twitter.com/ceoSteveJobs)


Kung may twitter account lang ako, ita-type ko: Si @ceoSteveJobs na ang magaling.

Pero kung mas mura lang yang ipad na yan....o may libre para sa akin...bitter parin pero mas pogi na siya. (ay bitter din pala ako XD)

(larawan galing...saan pa...sa twitter account niya.)

Monday, February 8, 2010

Random Bitter Statements: Facebook Status

"It was me who logged into your email and added to your signature: I am a shitbag."
28 Jan 2010


RBS by Doann Garcia on Facebook. Again. Hahaha.

Wednesday, January 13, 2010

Random Bitter Statements: Moleskine


"Moleskine? Ang mahal mahal, eh notebook lang 'yan."


Bitter statement ng mga walang pambili ng Moleskine.

Actually, ako yata ang nagsabi n'un.


*larawan mula sa primaryblog.wordpress.com

Monday, December 21, 2009

Random Bitter Statements: Facebook Status

"I still can't go inside a Nike Park without thinking of you.."
21 Dec 2009


RBS by Doann Garcia on Facebook

Friday, October 30, 2009

Wes Anderson: Bitter


Dalawang direktor: 1) Wes Anderson, at 2) Danny Boyle.

Dalawang pelikulang tungkol sa India: 1) Darjeeling Limited ni Wes Anderson, at 2) Slumdog Millionaire ni Danny Boyle.

Dalawang opinyon ng mga film critic: 1) Inokray ang Darjeeling Limited, at 2) pinanalo ng Best Picture ang Slumdog Millionaire.

Reaksyon ni direktor Wes Anderson:
"Why did this India movie become a big hit and mine didn't?"


Ang buong article ay galing sa nymag.com.


*Mula sa Twitter ni Oli Reyes
larawan mula sa coolspotters.com

Tuesday, October 6, 2009

Mga Estudyante sa NCR: Bitter


Hindi sila bitter dahil nabasa ang mga libro nila kay Bagyong Ondoy.

Bitter sila kasi supot lang si Bagyong Pepeng.

Kala niyo mawawalan uli ng pasok nang isang linggo, 'no? Mahiya naman kayo, hoy.


*larawan mula sa inothernews.tumblr.com