Monday, May 4, 2009

3 month rule

3 month moratorium para maghanap ng bagong gf/bf post break-up. Kung meron nang kapalit bago maglapse ang period, pakawala ka.

Rationale:
(1) Ang pagpapakawala ay senyales ng pagiging bitter. Mamili: (1) nagpapaselos, (2) miss mo na ex mo, lalo na pag magkamukha sila ng bago mo, (3) consolation sa sarili, ie "at least ako naka move on na kagad".

Illlustration:
John Lloyd: Hindi mo ba alam ang 3 month rule? May 2 weeks pa ako! Bakit ba kating kati ka palitan ako? -- One More Chance.


(2) Bakit 3 months: Ang cooling-off period sa legal separation ng mag-asawa bago umpisahan ang proseso ay 6 months. Dahil asawa mo siya, kailangan magbigay ng sapat na panahon to patch things up first (See Article 58-59 of the Family Code, note: kasal parin kayo after). Pag kasal na, 6 months ang parusa. Pag hindi pa, kalahati lang nun tapos libre ka na. Premyo mo yun, hindi ka kasi tatanga-tanga.

No comments:

Post a Comment