Monday, June 1, 2009

Ex is X Rule

Simple lang ang Ex is X Rule. 'Pag ex na, ex na. 'Di na pwedeng balikan.

Pero sa tingin ko, ang sumusunod sa rule na ito ay bitter.

Dapat 'wag mo isarado ang isipan mo na maari pa kayong magkabalikan ng ex mo. Kahit bad break-up pa 'yan. Kahit pinagpalit ka pa.

Kasi naman, pa'no kung niligawan ka niya ulit? Tapos binuhusan ka ng sangkatutak na material stuff na gustung-gusto mo? At nilibre ka niya sa IMAX nang tatlong beses sa isang linggo? At nangako na kung pinakasalan mo siya ay siya ang gagastos ng lahat sa kasal? At nangako rin na 'di ka na kailangang magtrabaho 'pag pinakasalan mo siya? 'Di mo pa ba babalikan 'yun? Kahit lumuhod pa siya sa harap ng lahat ng kilala niyo?

Ang tamang sagot diyan ay "'Di ko masasabi. Tignan nalang natin 'pag nangyari na."

Ang taong sumusunod sa Ex is X Rule ay bitter, dahil hindi niya kayang magpatawad. Kahit sabihin mo pang on speaking terms kayo. Ang tunay na pagpapatawad ay kung kaya mong ibalik sa dati ang lahat. Na parang walang nangyaring masama.

Pero parang mahirap yata 'yun.

1 comment:

  1. Thus, the extra reels allow 우리카지노 winning even larger jackpots because it’s correspondingly harder to get a winning mixture on

    ReplyDelete