Eto ang mga halimbawa ng active hatred:
- Pagtext sa inyong common friend ng "Oy, favor, pasabi naman kay (insert ex's name here) na (insert message here)." 'Wag mo nang kausapin at all! Kung sobrang importante naman, e 'di sabihin mo nang harapan. Kung 'di mo kayang sabihin ng harapan, bitter ka talaga.
- Pag-post ng mga status message sa Facebook tulad ng "I'm over you, biatch." Kung kailangan mo pang sabihin na "I'm over you", 'di ka pa talaga over.
- Pag-stalk sa mga Facebook, Multiply, at iba pang social network accounts ng ex mo para makita ang mga pics niya kasama ang bago niyang jowa.
- Pag-stalk sa mga Facebook, Multiply, at iba pang social network accounts ng bagong jowa ng ex mo, at baka sakaling may picture du'n ng kotse niya. Susubukan mong kunin ang plate number para 'pag natsambahan mo sa isang parking lot, tatanggalan mo ng hangin ang gulong.
- Pagtanong sa lahat ng common friends niyo ng ex mo ng, "Mas gwapo/maganda naman ako sa bago niya, 'di ba?" Dapat cool ka lang. Kebs.
Para madaling tandaan: Anything that requires effort (or too much effort) is active hatred.
At 'wag nating kakalimutan: Ito ay maga-apply lang kung ika'y pinagpalit sa iba. Kung hindi ka naman pinagpalit, itigil mo na ang kalokohang 'yan.
No comments:
Post a Comment