Ano ang Passive Hatred? Dahil nga ika'y pinagpalit para sa ibang jowa, maari kang magkimkim ng galit sa iyong ex. Coping mechanism ito para sa nasira mong pride. Ang ibang tao nagagalit sa kanilang ex habambuhay. Pwede rin naman sa'yo 'yun, kaso nga lang medyo ma-effort.
Ang ilang halimbawa ng Passive Hatred sa iyong ex:
- Pagbura ng kanyang number sa iyong cellphone (wala ka namang balak i-text siya 'di ba)
- 'Di pagreply sa mga text niya (dahil wala ang number niya sa phone mo, 'wag mong sagutin kahit "Hus dis?" or "Hu u?")
- Pag-delete sa kanya sa Facebook, Multiply, at iba pang mga social networking sites na 'yan (siyempre ayaw mo makita na brino-broadcast niya sa mga tao ang mga pics nila ng bago niyang jowa)
- Pag-delete sa kanya sa Yahoo! Messenger at iba pang Instant Messenger programs (kung text nga ayaw mo siya kausapin, chat pa kaya)
- 'Di pagbati sa kanya sa birthday niya (tablado na siya. for life. alam mo na 'yaaaan)
- 'Di pagpansin sa kanya 'pag nagkita kayo in person (kahit accidental eye contact, 'wag mo siya pagbigyan)
Ang mga Passive Hatred actions ay hindi tinuturing na pagiging bitter. Tulad ng aking sinabi, self-coping mechanism ito na kailangan mo bilang isang magandang tao na nagkataon lang na pinagpalit sa ibang jowa.
dapat idelete din ang mga text nya kasi may kilala ako diyan dinelete nga yung number hindi naman dinelete ung mga text...edi *press reply* lang yan. dibaahhh? haha
ReplyDeleteay true. i-delete na lahat! hahaha.
ReplyDelete