Tuesday, May 19, 2009

Pa-cool Rule


Huwag maging pa-cool kapag kausap ang ex (yun ay assuming naguusap pa kayo). Iba ang cool sa pa-cool. Ang cool, casual lang na nangangamusta, small talk lang para lang masabi na hindi ka nang-isnab. Pa-cool ka kung hindi naman tinatanong, ibi-bring up mo na nagbakasyon ka sa Singapore, na nag-sscuba ka na at nagd-date na kayo ng common friend ninyong model-modelan, kung baga sinabi mong nag-move on ka na pero sinabi mo sa napakaraming salita.

Sa totoo lang, pa-cool ka lang kasi may gusto kang patunayan. Ang pa-cool bitter.

Rationale:
Kung gusto mong ipakita na nag-move on ka na, wala kang gagawin, eh nag-move on ka na nga eh.

2 comments:

  1. ang pa-cool ay bitter. tandaan niyo 'yan. haha.

    wow. common friend na model-modelan. may ganon pala. hahaha.

    ReplyDelete
  2. bwahaha!! XD common friend na model-modelan. DAMN! may kilala kong gnun, EX ng EX ko. Bwahahaha!!

    ReplyDelete