Ang ex-bf ni Katherine Luna na itatago nalang natin sa pangalang "Carlo" ('yun daw ang sabi niya e) ay sinasabing naglabas daw ng mga private (sex?) videos nila ni Katherine sa internet. Ang dahilan? Kasi nakipag-break daw si Katherine Luna sa kanya at ayaw na makipag-usap.
Sabi sa interview niya ni Pia Guanio sa Showbiz Central, nakipag-break daw si Katherine kay a.k.a. Carlo dahil mayroon daw third party. So in short, si a.k.a. Carlo ay pinagpalit ni Katherine Luna sa ibang lalake.
Ang sabi naman ni Katherine Luna, siya raw ay binubugbog ni a.k.a. Carlo nang walang dahilan (ows? pwede ba 'yun?) kaya siya nakipaghiwalay.
Kaya naman daw nagawang manakit ni a.k.a. Carlo ay dahil nga raw sa third party na ito. At kaya rin niya nagawang magkalat sa internet ng mga sexy videos nila ay para makuha ang atensiyon ni Katherine Luna dahil gusto pa niya makipag-balikan.
Ang masasabi ko kay a.k.a. Carlo: 'Wag gan'on, 'tol.
Kung ikaw ay pinagpalit, at nasulot ka ng isang Cobra Commander, maari kang magalit sa ex mo kahit habambuhay. Pero ang mga maari mo lang gawin ay 'wag makipag-usap sa ex mo, 'wag siyang pansinin, at 'wag magreply sa mga text niya. Ito'y mga halimbawa ng pagiging galit na hindi bitter.
Pero kung ikalat mo ba naman ang mga sexy video ninyo ng ex mo sa internet, para lang mapansin ka, dahil gusto mo makipag-usap at makipagbalikan, BITTER NA 'YUN, TSONG.
So ang Passive Hatred Rule: Kung ikaw ay nasulot o pinagpalit, hanggang passive hatred lang ang pwede. 'Pag active hatred, 'yun ay bitterness.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hahaha! tama ang mga maingay bitter.
ReplyDeletefun sana 'to 'pag marami nang readers no? hehe.
ReplyDeletegp, pia guanio=showbiz central (sunday). lolit solis= startalk. (saturday)
ReplyDeletehehe show ko yan eh.
ayan haydee kinorek ko na hehe. sorry naman haha.
ReplyDelete