Lahat itong 4-month 3-month rules na 'to ay naga-apply lang sa normal na paghihiwalay.
Ano ang normal na paghihiwalay? Mahirap yata sagutin.
So ano ang hindi normal na paghihiwalay? Ito ang 'pag naghiwalay kayo na hindi mo kagustuhan ang dahilan.
Isang halimbawa nito ay kung ang bf/gf mo ay sinulot sa iyo. Ang tawag sa iyo ay "biktima", ang tawag sa panunulot ay "pang-aahas", at ang tawag sa nanulot sa 'yo, lalaki man o babae, ay "Cobra Commander".
Kung ikaw ay na-ahas, pwede ka magalit sa ex mo kahit habambuhay. 'Di naga-apply ang kahit ilang month-rule na 'yan. Hindi ito pagiging bitter.
Kung tawagin ka nilang bitter, 'wag mo sila pakialaman. 'Di naman sila inahas e.
Sunday, May 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment