'Pag galing sa break-up ang isang tao, madalas ay nagkakaroon siya ng body of work dahil sa break-up. 'Yun ay kung medyo artsy-fartsy ang taong 'yun.
Iba-iba ang lumalabas na body of work sa depression, depende rin sa iyong art. Ang mga songwriter, may mga break-up songs. Ang mga makata at manunulat, may mga break-up poems at break-up stories.
Ang pagsusulat ng tula ay gawain ng mga taong bitter. Marami akong kilala na pwede mong sabihan ng, "Ows, 'di mo naman masusulat 'yan kung 'di ka hiniwalayan e." Lalo na ang 'di naman talaga mga makata at pasawsaw-sawsaw lang sa poetry dahil lang nakapag-klase ng Creative Writing.
Lahat ng nagsusulat ng tula 'pag galing sa break-up ay bitter. Lahat. Ang break-up, kasama ang bitterness na dala nito, sa ayaw mo't sa gusto mo, ay siyang magsisilbing inspirasyon mo. Kahit ang isang napakagaling na manunulat tulad ni William Shakespeare, humuhugot pa rin sa break-up para makagawa ng mga obra. Kaya 'wag ka na magpanggap na hindi ka bitter. Ang kapal naman ng mukha mo, kung si Shakespeare nga walang pagpapanggap e.
At maganda ring sukatan ang mga tula para malaman kung over ka na nga ba talaga o hindi. 'Pag wala ka na talagang masulat na tula tungkol sa break-up o sa ex mo, 'pag napiga na lahat ng creative juices mo, 'pag 'di ka na dinadapuan ng mga bagong ideya---congratulations. Over ka na talaga. Kasi wala ka nang pakialam. 'Yun 'yon.
Saturday, May 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Support ought to be supplied through stay 카지노사이트 chat, telephone and e mail
ReplyDelete