para sa mga bitter na hindi masyado creative, ayos lang kasi para san pa ang radyo/ipod.
may bitter na malakas magpatugtog, at on repeat pa. sa pagkakataong magka-family member/roommate/housemate ka na ganito, pasensiyahan nalang please. sorry naman bitter lang, kahit na malamang at malamang hindi yan aamin sayo. sasabihin nya lang "sorry, i just really like this song" sabay shrug/hairflip.
may bitter din na pakimkim (read: malamang naka-ipod). actually pwedeng bitter siya na malakas magpatugtog sa umaga kasi nga gusto niya ng maingay at masaya para hindi magmukmok sa kabitteran pero ito yung pag nag-iisa na lang siya narerealize niya na *surprise* malungkot pala ako, makapag soundtrip nga.
dahil tila 95% ng mga kanta ay tungkol sa pag-ibig, pupusta kong 70% dun ay gawa ng mga bitter. ilan lang sa mga ito ang sumusunod:
(1) Fuck it (Don't Want You Back) by Eamon
Fuck what i said it dont mean shit now
Fuck the presents might as well throw em out
Fuck all those kisses, it didnt mean jack
Fuck you, you hoe, i dont want you back
- Hay, ang sarap. Ito ang bitterness in its simplest and purest form. Humahanga ako kay Eamon dahil ang totoong bitter ay galit, mahilig magmura, at higit sa lahat, nagpapakatotoo lang. At hindi niya kelangan ng alcohol para masabi/makanta ang hinanakit nya.
(2) I Never Loved You Anyway by the Corrs
I never loved you anyway
No I didn't love you anyway
Never truly loved you anyway
I'm so happy you're moving away
Yeah I'm delighted you're moving away
- Ito ang isa sa pinaka BS na kanta sa kasaysayan. Naman, kahit kasingganda ka ni Andrea Corr, may karapatan ka ring maging bitter. Gayahin si Eamon mga chong; there is beauty in honesty, grace in admitting defeat. ang isang bandang kumanta ng Runaway at All the Love in the World at gumagamit ng violin ay very prone to bitterness. kaya ok lang yan, kahit takot kang majudge ng mga taong naging bitter din naman at one point or another. aminin na kasi nang maaksyunan agad!
(3) Since You've been Gone by Kelly Clarkson
Since you've been gone
I can breathe for the first time
Im so movin on
Yeah yeah
Yeah, right. Pareho lang si Kelly Clarkson kay Andrea Corr, masasabi mong mas bitter pa nga si Kelly Clarkson kasi kelangan pa nyang sabihing "I'm soooooo movin on," lalo na pag nilagay pa nya yan as Facebook status message (Active Hatred Rule).
(4) Irreplaceable by Beyonce Knowles
You must not know 'bout me
You must not know 'bout me
I could have another you in a minute
Matter of fact he'll be here in a minute, baby
Last i checked, hindi exempted ang mga bootylicious from bitterness. Si Beyonce ay isang clear-cut case ng pagiging bitter kasi sobrang nilabag nya ang 3-month rule. Ang not-affected kuno, sobrang bitter (Pa-Cool Rule). Kahit na uber hot ka pa.
(5) What If by Babyface
Now that could be my car
That could be my house
That could be my baby boy that you're nursing
That could be the trash that I always take out
That could be the chair that I love to chill in
That could be my food on the table at the end of the day
Hugs and the kisses, all the love we make
What the hell do you expect me to say?
What if it's really `sposed to be this way?
What if you're really `sposed to be with me?
ang taong matagal bago umamin ng bitterness, ganito ang kinakanta. ang tawag sa kanila, nahimasmasan AKA nasa huli ang pagsisisi. malamang sila ang source of bitterness noon pero ngayong masaya na si ex-bitter, naiisip ng nahimasmasan na 'tangna, ako yata ang tunay na bitter dito a.' Ang bitter na matagal umamin sa sarili, tulad ni Babyface, mas maraming tanong sa dulo. hindi makatulog sa dami ng whatif, shoulda, woulda, coulda. When in the end, ang gusto lang naman nilang iparating ay:
I said things were cool, but I guess I was wrong
I still can't move on
at ang pinakabitter sa lahat ng bitter ay *drumroll please*
(6) Separate Lives by Stephen Bishop
You have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
We can't go on just holding on to time
Now that were living separate lives
Ang hopelessly bitter, sobrang clouded ng judgment. Feelingero, assumero, at defensive. Kapag tinanong ka ng ex mo kung kumusta ka na, pwede ka namang sumagot ng 'OK lang' kahit alam mong alam niyang di ka OK. kesyo naman sumagot ka ng 'As if you care,' 'Do you really want to know,' or worst, ng napakahabang lyrics ng Separate Lives. Knowledge is power, at ang sobrang pangangalandakan ng pagiging affected mo ay makakahaba lang ng hair ng ex mo.
Wag ganun.
Have dignity in bitterness. If all else fails, sing song #1. E sa ganun talaga, no?
Sunday, May 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hahahaha! Sobrang winner nito, daming LOL moments hahahaha! Yeah Eamon!
ReplyDeletePanalo! The best nga ang Fuck it (don't want you back)
ReplyDelete