Wednesday, June 3, 2009

"Ako ang Legal Wife" Rule

Ito si Lani Mercado. Kasal siya kay Bong Revilla.

Ang legal wife, kahit kailan, 'di pwedeng matawag na bitter. Kahit mahuli niyang nambababae ang mister niya, kahit ilang intriga pa ang kasangkutan nito, kahit ilang chicks pa ang ma-link dito, legal wife pa rin si Lani.

Kaya kahit sabunutan ni Lani si Bong, kahit magka-blackeye si Bong galing sa kamao ni Lani, kahit i-text o tawagan ni Lani ang mga chicks ni Bong at pagmumurahin ang mga ito, kahit burahin ni Lani ang mga number ng chicks sa cellphone ni Bong, kahit sugurin ni Lani si Bong sa mga beerhouse na pinupuntahan nito, kahit basahin ni Lani nang walang paalam ang mga e-mail ni Bong...hindi talaga matatawag na bitter si Binibining Lani Mercado.

Kasi nga si Lani ang legal wife. Siya si Mrs. Bong Revilla.


*larawan mula sa pep.ph

3 comments:

  1. e di dapat ginang lani sya at hindi binibini, kasi may asawa na sya... wala lang :D hehe

    ReplyDelete
  2. ^Ang alam ko, Binibini pwedeng itawag sa single o sa may asawa na. :-) Parang ang "Frau" daw sa German ay 'di na ginagamit.

    ReplyDelete
  3. Every casino that makes our listing has been 우리카지노 thoroughly checked for several options

    ReplyDelete