Ang sinumang magpa-tato ("magpa-tattoo" para sa mga maarte) pagkagaling sa break-up ay bitter.
Bukod sa paglabag sa 3 Month Rule, ito rin ay maituturing na pagiibang-anyo, at kung ang tato mo ay kitang-kita kahit nakabihis ka, maituturing din itong pa-cool ('di mo na kailangan magsalita, siya na mismo ang magtatanong sa'yo, "Wow, nagpa-tato ka?").
Dapat maghintay ka muna after three months bago ka magpa-tato, kung ayaw mong matawag na bitter.
Kahit ga'no pa kaganda ang tato mo.
*larawan mula sa photobucket.com
Friday, June 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha. sige na nga, saka na ako magpapatato.
ReplyDeletePa-tato ka na 'teh, tagal mo na namang single e. Haha.
ReplyDelete